Featured

Drafts

“Umalis ka para kalimutan sya, pero bakit noong bumalik ka sya parin pala? Sya parin pala yung taong nilalaman ng puso mo, yung taong mahal mo, yung karibal ko pero bakit sya pa? Bakit sya pa na kaibigan ko?.”

“Paano kung nagbago ang ikot ng mundo?

Paano kung hindi siya dumating sa buhay mo? 

May pag-asa kaya ako? 

May matatawag ba akong tayo?”

Advertisements

Hintayan

Andito na naman ako

Nag iisip ng mga salita

Na magkakatugma

Para makagawa na naman ng isang tula
Heto nanaman ako

Balisa,

Nakatulala,

Naghihintay sa wala
Eto ulit ako

Inaalala ang masasaya nating ala-ala.

Teka, atin nga ba? Ay sakin lang pala.

Kumakapit sa mga natitirang sana

Nagbabakasakali na sana mapagbigyan pa
Ang hiling na makasama kita

Na wala nang hahadlang pa

Na sana pwede na tayong maging masaya

Sa piling ng isa’t isa
Andirito pa rin ako

Patuloy na umaasa

Hinihintay ka,

Kahit na ang hinihintay mo’y sya…

Bakit ako umasa?

Kasalanan ba ang mahulog sa taong di ka kayang saluhin?

Kasalanan ko ba na nag tanging nais lang ay ang pahalagahan at mahalin?

Mali ba ang umasa? Mali ba na mahalin kita?

Mali ba ang umasa na baka meron tayo?

Sa kaisipan na pwedeng maging ikaw at ako?

Tanga nga ba talaga ang katulad ko? 

Tanga nga ba ang mahulog sa mga ngiti mo,

Tangang nalunod sa mga titig mo, Tangang umaasa na baka ako’y mapasayo.

bakit ako umasa? kasi mahal kita, kahit alam kong walang pagasa.

Kahit masakit na, Kahit parang wala, Kahit nagmumukha na akong tanga.

Siguro nga tanga ako, tanga ako kasi nahulog sa isang tulad mo. 

Kasi nga naman mahuhulog na nga lang ako sa tao pang sa iba pa’y nahulog na ang puso.

pero wala tayong magagawa, mahal kita pero mas mahal mo sya.

kaya heto ako ngayon, ngayo’y kakalimutan kana.

Hanggang Kailan Ba?

Wait, Paano ko nga ba sisimulan?

Ano kaya ang aking isuuslat kung wala akong maisip na paghuhugutan.

Patingin-tingin sa paligid, pati sa dumadaan

gagawin ko ang lahat kahit na mahirapan

may masulat lang saking takda at ito’y maibigay ng harap-harapan.

kung sineswerte nga naman ikaw pa ang aking nakita

mukhang mahaba ang masusulat ko ngayong tula

nasisilayan ko na naman ang matamis mong ngiti na nakadikit sa iyong labi

ngiting nakakapagpalimot sa akin sa mga gabing ako’y humikbi

nagagalak na naman ang puso ko dahil ika’y aking muli na namang nakita.

muli na namang umaasa kahit alam kong ako’y nagmumukha na namang tanga

habang nilalagpasan ka ako’y makapigil hininga

nagdarasal na sana naman ako’y iyong nakita

ngunit kahit ilang beses pa yata akong dumaan sa iyong harapan

ay hindi mo parin ako mapapansin at sa huli ako na nama’y masasaktan

na kahit pumunta akong perya at pabalik-balik na tumawid sa napakanipis na lubid

ay wala paring silbi at pagmamahal ko’y di mo padin batid

dahil isa kang taong ubod ng kamanhidan sa sarili

teka, manhid ka ba talaga?

o sadyang ika’y mahal nagng iba

kaya kahit na anong gawi’y di mo parin ramdam ang aking presensya

ano bang wala ako na meron sa kanya?

Maganda’t mabait din naman ako pero aaminin ko’y minsan ako’y may pagkapilyo

pero bakit ng mahulog ka sa kanya pa?

hanggang kailan ko kakayaning tumitig ng palihim sa iyong mukha

sa mga mata mo na kahit kailan ay di ako makikita dahil ang iyong mata’y nakatututok lamang sa isang presenya. sa kanya.

hanggang kailan ako magtatangatangahan?

Hanggang kailan ako magbubulagbulagan?

Hanggang kailan kita mamahalin, hanggang saan?

hanggang kailan ako magpapanggap na ok lang ako sa harap ng taong matagal ko ng pinapangarap

Pano ko nga ba matatanggap na hindi tayo para sa isa’t isa sa hinaharap

Hanggang kailan ako aasa? aasa na baka sa dulo’y para tayo sa isa’t isa.

Hanggang kailan ko pagtitiiisan ang sakit ng puso kong unti-unting nadudurog na dahil sa sobrang hapdi. ako’y napapapikit.

maraming tanong ang naghihingi ng sagot sa aking kaisipan

tanong na alam kong hindi ko kayang sagutan

Hanggang kailan?

Maari bang sabihin sa akin na sa gayo’y ako’y malinawan?

Hanggang kailan?sabihin sa akin kung kailangan ko ng sumuko sa laban

ng matigil na itong aking kahibangan at ng luha ko nama’y tumahan.

One Four Three

​Ikalawang taon ko sa hayskul ng napansin kita,

Nakaramdam agad ako ng kakaibang saya.

Ikaw yung tipong masarap magmahal at mahalin,

Ikaw yung taong hula kong para sa akin.

Lumipas ang araw, linggo, buwan at taon,
Alam ko sa sarili ko na nagmamahal na nga ako.

Alam kong dahil iyon sa iyo at mas lalong alam ko na ako’y umaasa na sayo.

Ako’y nagmamahal kahit alam kong hindi sigurado,
Umaasa ako sa baka’y may posibilidad tayo.

Hindi ko alam kung ano ang nauna, ang katotohanan bang ika’y iniibig ko na o ang masakit isipin na ako’y umaasa na.

Pero ako’y may sasabihin sayo,
Mahal kita kahit hindi tayo.

Te Amo kahit hindi sigurado,

Jet’aime kahit andaming pero at Saranghae kahit nasasaktan ako.

Oo nasasaktan nga ako, pero alam kong kaya ko.
Dahil alam kong may natitira parin ako para sa sarili ko. Dahil narin siguro’y may magandang plano.

Mahal kita kahit nasasaktan ako,
At mamahalin parin kita kahit sa dulo ng tulang ito, hindi ako ang pipiliin mo.


Mahal kita kahit kaibigan ko ang mahal mo, 

at patuloy kitang mamahalin kahit alam kong kahit kailan hindi magiging tayo.

Tatlong Taon

​Tatlong taon na pala,

Tatlong taon na pala tayong magkaibigan.

Dalawang taon na rin,

Dalawang taon narin simula nung minahal kita.


Totoo pala yung sinasabi nilang nafriendzoned?

Ayun kasi naramdaman at nangyari sakin nung umamin ako sayo ng nararamdaman ko.

Ang sakit lang nung sinabi mo sakin na may mahal ka nang iba.

Ngunit kahit na ganoon, Ipinagpatuloy ko parin ang nararamdaman ko sayo.


Hindi ko nga alam kung ilang beses na akong umamin sayo ng nararamdaman ko.

Martyr na ba ang tawag sa katulad ko? Sa katulad kong hangad lamang ang mahalin ng isang tulad mo?

Nandyan ako palagi tuwing may bago kang kwento.

Nandyan din ako tuwing may problema kayo. Oo kayo, kayo ng babaeng nagmamay-ari ng puso mo.


Bakit ganoon? Bakit ang daya ng mundo?

Mahuhulog na nga lang ako, yung wala pang sasalo.

Marami ang nagsasabing may chemistry kayo, samantalang pag tayo ang nagsama parang anghel at demonyo daw, Ikaw ang anghel at ako naman daw ang demonyo. Odiba nakakagago?


Alam ko namang di tayo bagay. Lalake ka, Bakla naman ako hindi talaga bagay!

Pero okay lang yon, mahal kita eh. Anong magagawa ko?


Tatlong taon na ang nakalipas,

Pero ako’y umaasa parin sayo.

Anong nga bang laban ko? Eh ilang taon palang tayong magkakilala pero kayo kilala nyo na ang isa’t isa simula palang ng bata kayo.


Buti nalang talaga at nandyan ang kama at unan ko. Sila ang sumasalo ng mga drama’t luha ko ng dahil sayo.

Dito ko na nga pala tatapusin ito. Wala eh. Langya, di kita pwedeng agawin sa kanya kasi parehas ko kayong mahal.

Parehas ko kayong mahal ng KAIBIGAN ko.

Huling Tula Para Sayo

Isinulat ko ito para sayo mahal ko,

Upang masabi ko sayo ang totoong nararamdaman ko.

Sa loob ng ilang taong ika’y minahal ko,

Ngayon ko masasabi sa sarili ko na ang tanga tanga ko,

Ang tanga tanga ko kasi nahulog ako sa isang tulad mo, 

sa tulad mong may minamahal ng iba at ang masaklap pa? Sa hindi katulad ko.

Pero tangina lang? Alam kong wala akong karapatang magselos pero bakit ang sakit?

Ang sakit tuwing nakikita ko kayong magkasama,

Ang sakit tuwing nakikita kitang tumatawa ng dahil sa kanya,

Ang sakit tuwing nakikita kong sa kanya lang nakatuon ang iyong atenyon na sana naman kahit minsan ang mga mata mo’y bigyan sana ako ng tuon.

 Ngunit wala akong magagawa, mahal kita ngunit mas mahal mo siya.

Na para bang you and me ang inyong tema at ako? Ako lang naman yung kontrabida.

Ako yung kontrabida na naghahangad lamang ng pagmamahal na galing sa lalaking bida.

Ngunit ngayon? Ako’y napagod na at nawalan na ng pag-asa.

Pero ang tanga ko lang kasi simula palang sa una alam kong wala na,

Walang wala na kasi nga diba? May mahal ka ng iba?

Peeo ito sasabihin ko sayo, maaring susuko ako pero andito parin ako yun nga lang, bilang kaibigan mo.

Nais kong magpasalamat sa mga alaala, salamat sa mga alaala na mababaon ko hanggang sa pagtanda na.

At huli, nais kong malaman mo na sa araw na ito’y mabasa’t matanggap mo, nais kong malaman mo na ako’y magmomove-on na sa iyo.